كلمات الأغاني
O kay sayang makasama ang buong pamilya
Lalo sa harap ng lamesa
O kay tamis ng mga kwento nagmumula kay lolo
Habang sa tabi nya'y nakikinig ako
Heto parating na si ate
Heto parating na si kuya
Heto parating na ang lahat
Sumusunod sa langhap at sarap
Ilang saglit na lang pasko'y ipagdiriwang ng lahat ng tao
Ilang saglit na lang pasko'y parating na sa mundo
Tayo'y magsama salubungin
Mga problema at ating limutin
Sarap ng buhay ay tikman mo
Parating na parating na
Parating na ang pasko
Ipadama mo rin sa iba
Mga biyaya mong tinatamasa
Malasa ang buhay kung tumutulong ka
Timpla'y tamang tama
Ilang saglit na lang pasko'y ipagdiriwang ng lahat ng tao
Ilang saglit na lang pasko'y parating na sa mundo
Tayo'y magsama salubungin
Mga problema at ating limutin
Sarap ng buhay ay tikman mo
Parating na parating na
Parating na ang pasko
Ang pasko
MINNITH MOTA
Universal Music Publishing Group