'Di ko napansin
Ang sarili ay napababayaan ko na
Umiikot ang mundo
Sa kung ano ang masasabi nila
Wag kang ganito wag kang ganiyan
Yan ang sabi ni mama
Hindi ka nahiya tulad ng iba
Na mayro'ng pakinabang
Di ka tumino 'di ka lalago
'Di ka dapat tularan
At kahit ano pa ang sabihin mo
'Di ka pakikinggan
'Di nais masaktan kita
Ngunit oh ano pa nga ba
Kahit ano'ng aking gawin
Mayro'ng masasabi
'Di ko nais na mawala
Sa akin ang 'yong tiwala
May tama man o may mali
Mayro'ng masasabi
'Di ko magawa
Ang mabuhay araw-araw na may dinadala
Kailangang tiisin
At ibaon ang mga nadarama
Wag kang ganito 'wag kang ganiyan
Yan ang sabi ni papa
Hindi ka nahiya tulad ng iba
Na mayro'ng pakinabang
'Di ka tumino 'di ka lalago
'Di ka dapat tularan
At kahit ano pa ang sabihin mo
'Di ka pakikinggan
'Di nais masaktan kita
Ngunit oh ano pa nga ba
Kahit ano'ng aking gawin
Mayro'ng masasabi
'Di ko nais na mawala
Sa akin ang 'yong tiwala
May tama man o may mali
Mayro'ng masasabi
Oh nais ko nang mawala
Sa hangin tulad ng bula
'Di ko alam ang gagawin
Di ko maamin
Oh nais ko nang mawala
Sa hangin tulad ng bula
'Di ko alam ang gagawin
Hindi ko maamin
Oh nais ko nang mawala
Sa hangin tulad ng bula
'Di ko alam ang gagawin
Hindi ko maamin
Da da ra ra ra
Da da ra ra
Da da ra ra ra
Da da ra ra
Da da ra ra ra
Da da ra ra
Da da ra ra ra
Da da ra ra