Lyrics
Oh lamang lupa sa'n mo ba 'ko dadal'hin
Katotohanan ay ayoko munang harapin
Gusto ko lang namang makalimutan ang
Dala-dalang problema kahit pansamantala
Oh lamang lupa sa'n mo ba 'ko dadal'hin
Lumalabo't umiikot ang aking paningin
Akala ko'y patungo na 'ko sa taas
Ayoko sa ilalim oh kay hirap pumiglas
Oh lamang lupa sa'n mo ba 'ko dadal'hin
Ang kadilima'y mahigpit ang yakap sa akin
Limot na alaala ay bumabalik
At kalungkutang walang tigil sa pananakit
Oh lamang lupa sa'n mo ba 'ko dadal'hin
Pakiramdam ay parang nasa dulo ng bangin
Ang kamatayan ba'y nasa 'king likuran
Oras na ba heto na ba'ng aking katapusan
Sentric Music